“Buto” ng MV Princess victim, lumutang sa 4th Anniversary

MAKARAAN ANG apat na taon sa paglubog ng MV Princess of the Stars ay lumutang ang ilang piraso ng buto ng tao na pinaniniwalaang biktima ng lumubog na barko na pag-aari ng Sulpicio Shipping Lines sa bahagi ng San Fernando, Romblon kahapon.

Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, natagpuan ang nasabing mga labi sa ilalim ng barko kaya tiyak na kasama ang mga ito sa nasawi sa trahedya.

Naniniwala si Acosta na isa itong pahiwatig na dapat muling pagtuunan ng pansin ang kaso ng MV Princess at ng mga opisyal ng Sulpicio Shipping Lines, lalo’t ginugunita ngayong araw ang ika-apat na taong anibersaryo ng paglubog ng barko.

Magugunitang mahigit 700 ang sinasabing namatay sa trahedya matapos abutin ng bagyong Frank ang naturang bapor habang patungo ng Cebu.

Ilan sa mga bangkay ay hindi na naiahon pa hanggang sa kasalukuyan.

Sa paniniwala ni Acosta, may 300 pang labi ang hindi nakukuha matapos maipit sa mga cabin. Ang PAO ang tumatayong abogado ng karamihan sa mga pamilya ng mga biktima ng naturang trahedya. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.