Butch Francisco, dumipensa sa ‘walang latoy’ na interbyu kay Deniece Cornejo

Butch-FranciscoUMANI TALAGA ng pagbatikos ‘yung ginawang interbyu nina Heart Evangelista at Butch Francisco kay Deniece Cornejo sa Startalk ng GMA-7 nu’ng mag-guest nang live ang kontrobersiyal na babaeng pinangalanan ni Vhong Navarro na isa sa ugat ng mga dahilan kung bakit binugbog siya ng grupo ni Cedric Lee.

Ang pagbatikos kina Heart at Butch ay dahil daw sa pinalaylay nila ang nasabing interbyu kay Deniece at nasayang ang oras, dahil naroon na sila ay parang hindi nila maibatong itanong sa kanilang guest ang mga tanong na inaabangan ng publiko tungkol sa isyu.

“Ano naman ‘yung sinasabi nilang mababa raw ang energy naming magtanong kay Deniece? Paano mo naman sasabayan ‘yon, eh, energetic na siya sa panayam namin sa kanya? Tsaka may kaso na, kaya paano ka naman magtatanong ng kung anu-ano. Nagsalita din naman si Deniece. Kami ni Heart, hindi naman kami korte. ‘Yung sa amin lang, mailabas ‘yung side ni Denice, at nangyari naman. Energetic na si Deniece, kung sasabayan namin ni Heart ay baka sumabog na ang screen,” paliwanag ni Butch.

Ikinukumpara din na nu’ng may talkshow pa si Butch sa ABS-CBN, ang Showbiz Linggo nila ni Cristy Fermin ay mas maingay raw at mataas ang energy niya kung magbalita.

“Ang pagkakaiba lang siguro, kaya madaldal ako sa Showbiz Linggo ay dahil dalawa lang kami du’n ni Nanay Cristy. Dito naman sa Startalk ay marami kaming magkakasama. Ako ba naman, kailan ako kinulang ng energy?” natatawang paliwanag pa ng talkshow host.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Butch Francisco, dumipensa sa ‘walang latoy’ na interbyu kay Deniece Cornejo

Leave a Reply

Your email address will not be published.