Butaw sa tricycle drivers

• 0905600xxxx – Sir Raffy, ang mga pulis po rito sa Makati humihingi ng butaw sa mga panggabing tricycle driver. Kaya po kahit walang lisensiya ang ilang mga driver dito ay nakakapag-drive sa barangay Carmona, Olympia at Tejeros.

• 0929952xxxx – Idol, isa po akong taxi driver, nabangga po kasi iyong taxi ko noong December 26. Wala naman po akong naging problema sa nakabangga ko dahil binayaran naman po niya ang naging damage. Ang inirereklamo ko po ay iyong imbestigador ng Police Station 5 sa Litex, Fairview area dahil P400 ang pinabayad sa police report. Tapos ang xerox po ng tatlong pirasong papel ay umabot sa P24 ang halaga. Salamat po.

• 0926706xxxx – Iyong mga pulis Marikina po ginagawang negosyo ang panghuhuli lalo na po si PO2 Zaragosa at ang mga kasama niyang mga malalaki ang tiyan. Mga buwaya po sila ng kalye dahil kapag hindi nag-abot ng pera sa kanila ay tutuluyan ka nila.

• 0908665xxxx – Sir Raffy, iyong kaibigan ko po ay binugbog ng mga pulis pagkatapos ay hinihingian po kami ng P6000. Ano po ba ang dapat naming gawin? Nasa Libertad Police Precint po siya at hindi pa rin pinapalabas.

• 0905507xxxx – Sir, hihingi po sana kami ng tulong dahil sa dose oras na trabaho namin araw-araw ay napakababa naman ng sahod na ibinibigay sa amin ng amo naming Chinese dito sa Camilla Nice Foods sa Potrero, Malabon. Wala rin po silang ibinibigay na financial assistance sa mga trabahador nilang nadidisgrasya sa oras ng trabaho. Sana po ay matulungan ninyo kami. Maraming salamat po.

• 0917849xxxx – Idol Raffy, tulungan n’yo po ako dahil ginulpi ako ng barangay chairman namin at napilitan po akong pumirma sa areglo dahil ikukulong nila ako. Maraming salamat po.

• 0908726xxxx – Sir Raffy, sana po ay matulungan ninyo kaming mga security guard dito sa Palawan. Walong buwan na po kaming hindi pinapasahod ng aming agency. Marami po kaming guwardiya rito sa NAPOCOR Palawan, humigit kumulang sa 50 katao kami. Veterano Agency po ang pangalan ng aming agency. Sana po ay matulungan n’yo po kami. Maraming salamat.

• 0948643xxxx – Mr. Tulfo, may irereklamo lang po ako regarding sa mabahong amoy sa lugar namin sa barangay Bagong Silang dahil may kapitbahay po kami na nag-aalaga ng baboy pero wala po silang proper drainage. Gumawa lang po sila ng kanal na pagdadaluyan ng dumi pero dumadaan naman sa bawat bahay. Concern lang po ako sa kalusugan ng mga bata rito sa amin dahil maaaring magkasakit dahil sa araw-araw nilang naaamoy na mabahong babuyan. – Concerned citizen

• 0915636xxxx – Idol, pakigising naman po ang in-charge sa West Service Road sa may Sucat dahil may malalim na hukay roon sa gitna mismo ng kalsada na malapit sa Waterfun. Wala man lang pong nakalagay na mga warning device kaya hindi malayong may maaksidente roon.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.