Butaw ni Mayor, Abusadong Kolektor?

0918335xxxx – Boss Raffy Tulfo, kami po ay driver ng fx na may rutang Buendia at Divisoria. Sobra po ang pango-ngotong na ginagawa ng isang nagngangalang Moti Arceo na tauhan at taga-kolekta ni Mayor dito sa Pasay City. Ang pamasahe po bawat pasahero ay P30, sa sampung sakay po namin ay P300 ang bawat takbo, pero ang kaltas po ay P120 kada pasada at ito raw po ay para kay Mayor. Ang butaw po rito ay kilala sa alyas na “Bembe”. Dati rin po itong fx driver pero ngayon ay taga-kolekta na ni Mayor. Sana naman po ay maawa si Mayor sa amin at payagan na kaming makabiyahe ng walang butaw. Napakahirap na po kasi ng buhay namin at kakarampot na lang ang kinikita namin dahil humahati pa sila. Sana po ay matugunan ninyo ang aming suliranin.

 

0943339xxxx – Mr. Tulfo, nais ko pong ireklamo ang mga pulis dito sa aming lugar sa Sunvalleys, Langhaya, Antipolo City. Tatlumpung taon na po binubugbog ang aking ina ng aking walang awang ama. Humingi po kami ng tulong sa aming presinto na rumesponde at tulungan kami na hulihin ang aming ama. Pinagalitan pa po kami at ayaw pong sumama sa amin. Hindi na raw po nila sakop ang bagay na iyan. Kami na po mismong kapamilya ang nagmamakaawa dahil baka mapatay ng aking ama ang aking ina. Pinag-antay lamang po kami sa wala at pinauwi sa aming bahay. Nagalit pa po ang hepe sa amin dahil dinadamay pa raw po namin sila sa aming personal na problema. Sana naman po, kapag mayroong humihingi ng tulong sa kanila lalo na po kung talagang emergency ay bigyan naman nila ng pansin at gawin nila ang nararapat sa kanilang sinum-paang tungkulin. Maraming salamat po.

 

0910730xxxx – Kuya Raffy, mayroon po kaming nais idulog sa inyong programang WANTED SA RADYO. Ang aming pong isang kasamahan na guwardiya ay sapilitang ikinulong ng isang pulis. Hindi po makatarungan ang ginawa sa kanya ng pulis na ito. Pilit din po nitong kinumpiska ang service firearms ng aming kasamahan. Sana po ay mabigyan ng kaukulang parusa ang pulis na ito. Masyado niya pong ginagamit ang kanyang impluwensiya sa maling paraan at pang-aabuso sa kanyang kapwa. More power po sa inyong show.

 

0999680xxxx – Idol Raffy, sa pamamagitan ng inyong programa, nais naming ireklamo ang aming kapitan dito sa Barangay Pagas, Cabanatuan City, Nueva Ecija, na nagngangalang Benito Arcilla. Pinagmumura po niya ang isang binatilyo at nagawa rin po nitong saktan sa pamamagitan ng pagsakal kay Randy Mission. Ito po ay dating sekretaryo ng nasabing kapitan. Ang dahilan ng kanyang pananakit ay pinagtatawanan siya at iniinsulto. Ito ay pinabulaanan ng mga saksi sa insidente. Mayroon daw itong personal na galit sa sekretaryo dahil sa pagpeke ng pirma ng mga konsehal ng barangay. Sana po ay maipahatid ninyo ito sa kinauukulan ng matigil na ang paghari-harian ng kapitang ito. Umaasa po kami na mabibigyan ninyo ng solusyon ang bagay na ito.

 

Ang inyong mga sumbong ay masosolusyunan at mapapakinggan sa programang WANTED SA RADYO, 2:00-4:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes sa 92.3 News fm. At mapapanood sa Aksyon TV Channel 41.

 

 

 

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.