Busy sa mga kinakaharap na kaso
Annabelle Rama, wala nang time i-manage ang mga alaga?

AS WE write this, tumangging magpaunlak ng interview sa Startalk si Annabelle Rama makaraang idemanda siya ng estafa at paglabag sa Anti-Bouncing Check Law (Batas Pambansa 22) ng kanyang pinsang-buo na si Jose Vicente Rama del Prado, Jr.

Dalawang bad checks lang umano ang pinagbasehan ni Prado, na nagsabing aabot sa mahigit na twenty ang bilang ng mga inisyu umanong tseke ni Tita Annabelle which all bounced.

All checks were allegedly drawn from BDO pero closed account na raw ito. Pero giit ni Prado, ang halagang pinalitan ng cash ay mula sa kanyang kapatid, na siya (Jose Vicente) ang nagbabayad on installment terms.

Nakakalungkot lang that again, we see kin who are fighting over money. Ang ama ni Tita Annabelle ay kapatid ng ina ni Prado, and that makes them first cousins.

Worse, maging ang ilang isyu totally unrelated sa ugat ng kanilang pinag-aawayan is like opening a can of worms. Sobra kasing personal ang ilang paratang against either party, that legally no bearing on the case being lodged in court.

Sa Cebu City Prosecutor’s Office inihain ni Prado ang kanyang reklamo, to which ang sagot naman ng respondent ay “See you in Cebu.”

Mukhang we shall not see enough of Tita Annabelle in the coming days or weeks, as her presence is badly needed in court. May time pa rin kaya siya to manage her talents?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Busy sa mga kinakaharap na kaso
Annabelle Rama, wala nang time i-manage ang mga alaga?

Leave a Reply

Your email address will not be published.