Bus vs Truck: 10 patay, 49 grabe

SAMPUNG KATAO ang nasawi habang 49 pasahero pa ang ginagamot sa iba’t ibang ospital makaraang magbanggaan ang isang truck at bus sa Barangay Uling, Naga City, Cebu.

Sa ulat ng Naga City PNP, kabilang sa mga nasawi ang driver ng prime mover na si Antonio Omagay at ang siyam na pasahero ng Calvo Bus Liner.

Galing ng bayan ng Asturias ang truck na may kargang heavy equipments  at pa-puntang Cebu City nang mawalan ng preno at sumalpok sa bus na may lulang mahigit 50 pasahero na mula naman sa Cebu at papunta sanang Toledo City.

Sa imbestigasyon, limang biktima ang agad nasawi bunsod ng matinding pagkabagok sa ulo at sugat sa katawan nang maipit sa upuan at mabasagan ng salamin habang sa ospital na binawian ng buhay ang limang iba pa.

Sa pinakahuling ulat kahapon ng umaga ay may 30 pa ang patuloy na ginagamot sa magkakahiwalay na ospital.

(SIGRID CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.