Bus vs. Trak; Isa Patay

PATAY ANG truck driver nang maganap ang banggaan ng ten-wheeler truck at passenger bus sa Barangay Dalirig, Manolo Fortich, Bukidnon.

Kinilala ang nasabing biktima na si Allan Catipay, 37-anyos, mula sa South Cotabato.

Ayon sa Manolo Rescue Team, masyadong naipit ang katawan ng biktima matapos ang head-on collision ng minamanehong truck sa bus.

Bagama’t naisugod pa sa Northern Mindanao Medical Center ang biktima subalit paglipas ng ilang oras ay binawian na rin ito ng buhay.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan hinggil sa nasabing aksidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.