Bus Vs Pick-Up: Sugatan sa NLEX

SUGATAN ANG may 30 pasahero ng bus matapos banggain ng isang pick-up truck ang kani-lang sinasakyang bus sa North Luzon Expressway (NLEX),sa sakop ng Brgy, Libtong, Meycauayan City.

Kinilala ni P /Supt. Sidney Villaflor, ang driver ng Santrans Bus na si Bregildo Bernardo, 41 anyos, ng Norzagaray, Bulacan at ang driver ng kulay puting pick-up na si Reynaldo Lobino, Jr.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, mabilis na binabaybay ng Santrans Transit Bus ang kahabaan ng NLEX sa bahagi ng Meycauayan, patungong San Jose Del Monte City nang maganap ang aksidente .

Ganap na alas-11:20 ng hating gabi nang maganap ang trahedya nang banggain ng puting Hilux pick-up dahilan para tumagilid ang nabanggit na pampasaherong bus.

Nabatid na lasing u-mano sa alak ang driver ng pick-up na nasa kritikal na kalagayan matapos ang aksidente. Samantala, agad namang isinugod ng Bulacan Rescue Team, ang driver ng bus sa Bulacan Medical Center na ngayo’y nasa ligtas nang kalalagayan.

Samantala, ginagamot naman sa iba’t-ibang pagamutan ang mga pasahero ng bus partikular sa Montepalco at Nazarenus Hospital.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.