Bus, Sumalpok sa Truck; 3 Patay, 14 Sugatan

PATAY ANG tatlong katao habang sugatan ang labing-apat na pasahero matapos sumalpok ang bus na kanilang sinasakyan sa sinusundang truck sa North Luzon Expressway Valenzuela City kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina William de Jesus 54, driver, ng Rizal, Pilar, Bataan; Jonalito Junio, 24, konduktor; at ang pasaherong si Aguilar Bonza, 49, ng Dinalupihan, Bataan.

Isinugod naman sa Manila Central University (MCU) hospital upang lapatan ng lunas ang mga tinamong sugat sa mga katawan ng labing-apat pang pasahero.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahaabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Nabatid, magkasunod na tinatahak ng truck (RKE-803) at ng Genesis bus (TWJ-568) na minamaneho ni De Jesus ang kahabaan ng NLEX sa naturang lugar patungong Manila nang bigla na lamang sumalpok ito sa hulihang bahagi ng truck.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang driver at ang konduktor na naging dahilan upang magulungan pa ang mga ito ng bus habang namatay rin si Bonza sanhi ng tinamong grabeng pinsala na nakaupo sa harapan ng bus.

May hinala ang pulisya na tiyak na nakatulog ito sa pagmamaneho ay hindi napansin ang truck na nasa unahan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.