Bus Sumalpok sa Puno: 1 Patay; 15 Sugatan

 

PATAY ANG isang katao habang sugatan ang 15 iba pa matapos na sumalpok sa puno ang isang pampasaherong bus sa Brgy. Calimbajan, Makato, Aklan.

Sinabi ni PO2 Dumalaog ng Makato-PNP, minamaneho ng driver at nasawi na si Patrick Lopez, 35, residente ng Brgy. Guimbal, Iloilo ang pampasaherong bus na Ceres Liner nang iwasan nito ang kasalubong na tricycle matapos mag-overtake sa isa pang humintong tricycle.

Kasunod nito ay ang pagsalpok ng bus sa puno ng Indian Mango.

Kaagad isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang mga sugatang pasahero.

Samantala, dalawa sa mga ito ay nananatili pa rin sa pagamutan dahil sa tinamong bali sa paa.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nangyaring insidente. (PARAZZI

REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.