Bus sa Star Tollway, Nahulog sa Kanal; 28 Pasahero, Sugatan

 

DALAWAMPU’T WALONG pasahero ang sugatan matapos maaksidente ang sinasakyang bus sa may kahabaan ng Star Tollway, Batangas.

Binabagtas ng Dimple bus ang Star Tollway galing Maynila patungong Batangas nang mawalan ito ng preno pagdating sa may 90 kilometro ng Brgy. Lapu Lapu, San Jose, Batangas, batay sa ulat ni Carlito America, security chief ng Star Tollway.

Kinabig umano ng drayber ang manibela hanggang sa mahulog ang bus sa may kon-kretong kanal, kung saan nasugatan ang 28 sa 47 na pasahero.

Dali-dali namang isinugod sa ospital ang mga sugatan na nagtamo lamang ng minor injuries.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.