Bus Papuntang Maynila, Nasunog

ISANG RO-RO bus ang nasunog habang nasa highway sa Brgy. Maribong, Lambunao, Iloilo.

Sinabi ni SPO3 Alexander Lauron ng Lambunao Police Station na sakay ng bus ang mga pasahero papuntang Maynila nang mangyari ang insidente.

Habang tumatakbo ang sasakyan, nakaamoy ng nasusunog na bagay ang mga pasahero kaya’t kanilang hiniling sa driver na pahintuin ang sasakyan.

Nang inusisa natuklasan na malaki na ang apoy sa ilalim na bahagi ng sasakyan kaya’t kaagad nagsibabaan ang mga pasahero.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, nagmula umano ang apoy sa wiring sa engine compartment ng bus.

Samantala, masuwerte namang walang nasugatan na pasahero matapos ligtas na nakababa ang lahat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.