Bus, Nahulog sa Bangin; 15 Sugatan

 

LABINLIMA ANG lubhang nasugatan matapos mahulog ang isang pampasaherong bus sa 1.5-metrong bangin sa Brgy. Comadaycaday sa Del Gallego, Camarines Sur kamakailan.

Base sa ulat, nawalan ng kontrol ang driver ng bus na si Jose Fernando Don, 36-anyos, na dahilan para bumangga sa puno at mahulog sa bangin ang nasabing bus.

Samantala, kinilala naman ng mga kinauukulan ang mga biktima na sina: Andres Perico, 36-anyos; Archie Fabor, 19-anyos; Annalyne delos Santos, 23-anyos; Ruffa delos Santos, 15-anyos; Maria Angeline Ursulun, 11-anyos; Rosalie Lopez, 25-anyos; Jelly de Lina; Richman Sarmiento, 50-anyos; Maritess Bien, 24-anyos; Jesus Lasado, 55-anyos; Emerson Pielago, 22-anyos; Erlinda Sarmiento, 60-anyos; Lorena Saavedra, 31-anyos; Elmer Morga; at Mark John Antonino, 19-anyos.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Patungo na sanang Maynila ang bus nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon, posibleng masampahan ang driver ng bus ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Physical Injuries. (PARAZZI RE-

PORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.