Bus, Nagdayb sa Gilid ng NLEX; 9 Sugatan

SUGATAN ANG siyam na pasahero ng isang pampasaherong bus na tumagilid at sumalpok sa isang puno sa kahabaaan ng North Luzon Expressway ilang metro lamang ang layo mula sa Bocaue Exit sa Bulacan kahapon ng umaga.

Ayon kay Cris Natividad, traffic control specialist, isinugod ang mga biktima na hindi nakuha ang mga pangalan sa isang ospital sa Bocauae sanhi ng iba’t ibang tinamong sugat sa ulo at katawan.

Base sa paunang imbestigasyon ng traffic Control posibleng nakatulog sa manibela ang driver ng Partas Bus Line dakong alas-7:00 ng umaga.

Samantala, pinagpapaliwanag naman ang tsuper ng bus na hindi nakuha ang pangalan hinggil sa pahayag ng ilan sa mga pasahero na nakatulog ito sa pagmamaneho.

Nangyari ang insidente sa southbound lane ng NLEX expressway na may isang kilometro ang layo sa Bocaue Exit kung saan papaluwas na ito ng maynila mula sa Laoag City.

Kaugnay nito, nangako naman ang may-ari ng naturang bus company na sasagutin nila ang pagpapagamot ng mga pasaherong nasugatan.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.