Bus lumipad sa bangin, 2 patay, 10 sugatan

NEGROS OCCIDENTAL – PATAY ang driver ng isang bus at pasahero nito nang bumulusok sa bangin ang kanilang sinasakyan sa San Carlos City, Miyerkules ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Teodoro Aborido, driver at residente ng Calatrava.

Isinusulat ang balitang ito ay wala pang pagkakakilanlan ang isa pang nasawi habang ginagamot  pa ang anim sa mga nasugatan sa San Carlos Medical Center na sina Charile Pablo, asawa nitong si Melodina, Emelinda Dumangas, Richard Lascunia, Rey Anoble, konduktor at isang Rodito.

Apat naman ang dinala sa pagamutan sa lungsod ng Bacolod na hindi pa pinangalanan ng mga pulis.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. pasado alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa Sitio Dukog-dukog, Brgy. Rizal.

Galing ng Bacolod City patungo ng  San Carlos City ang mga biktima nang mawalan umano ng preno ang Ceres Bus, dahilan para bumulusok ito sa bangin sa lalim na 100 metro.

Sinasabing ilang beses na nawalan ng ilaw ang bus at hindi rin makontrol ng driver ang pagmamaneho.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.