Bus Inspector, Patay sa Van

HINDI NA umabot pa nang buhay sa ospital ang isang inspector ng bus matapos masagasaan ng humaharurot na van sa Sta. Elena, Camarines Norte.

Lumalabas sa impormasyon, nagsasagawa ng inspekyon ang biktimang si Conrado Gana, 58, ng Malilipot, Albay sa ilang bus sa bahagi ng Quirino Highway, Sitio Watawat, Barangay Tabugon, Sta. Elena nang mangyari ang insidente.

Kakababa pa lamang umano nito sa PAMAR bus at patawid ng kalsada para tingnan ang isa pang bus nang masalpok ng van na minamaneho ni Willy Motil y Liquigan, 28, ng Cagliliog, Tinambac, Camarines Sur.

Nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo si Gana dahilan upang ideklara itong dead on arrival sa Saint Peter General Hospital sa Calauag, Quezon.

Samantala, agad namang sumuko ang salarin sa mga awtoridad at inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.