Bus Hostage-Taking sa North Cotabato, 2 Patay

 

DAHIL SA hindi pagkakaunawaan sa pasahe, binaril at napatay ng isang pasahero ang konduktor at driver ng sinasakyan niyang bus sa Pigkawayan, North Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Sr. Supt. Cornelio Salinas sumakay ang 46-anyos na suspek na si Milco Lavina sa Weena Bus na may plakang  MVV 364 sa Barangay North Manuangan sa naturang bayan.

Aniya nakipagtalo muna ang suspek sa konduktor bago niya ito binaril.

Tinangka naman ng driver na si Boboy Valdevieso na awatin ang suspek ngunit maging siya ay binaril.

Sa tagpong ito, hinostage na ni Lavina ang siyam na pasahero hanggang sa magpasya itong sumuko nang mapansin na napapaligiran na ng mga pulis ang bus. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.