Bus, Hinoldap sa EDSA

HINOLDAP NG apat na binatilyong armado ng baril at patalim ang isang bus sa northbound lane ng EDSA-White Plains, Quezon City, Sabado ng madaling-araw.

Sinabi ni Carlos Assi, drayber ng naholdap na MetroLink bus na may plakang TVT-568, sumakay ang mga salarin sa bandang Guadalupe at hindi naman kahina-hinalang holdaper ang mga ito dahil sumabay sila sa pagsakay ng maraming pasahero.

Sinasabing marami sa mga pasahero ang natangayan ng kanilang mga gamit.

Samantala, mayroon namang dalawang nasaktan matapos tumangging ibigay ang cellphone su-balit maayos na ang kanilang kalagayan sa ngayon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.