Bus Drivers sa Southwest Integrated Terminal, Tigil-Pasada

NAGTIGIL-PASADA ANG biyaheng probinsya sa Southwest Integrated Provincial Transport Terminal sa may Coastal Mall sa Parañaque City.

Ito ay matapos mag-rally ang mga drayber na huwag bumiyahe dahil sa mga aberya sa bagong terminal.

Hinaing ng mga drayber, pagdating ng staging area ng terminal, tumatagal pa ng dalawa hanggang tatlong oras ang mga bus bago makapasok sa main terminal kung saan kukuha ng pasahero.

Nagrereklamo ang mga drayber dahil alas-4:00 ng madaling-araw pipila ang bus pero alas-2:00 ng hapon pa sila makalalabas ng terminal.

Matagal anilang makalabas dahil masikip umano ang terminal.

Oras namang makarating sa main terminal, obligadong umalis agad matapos ang ilang minuto, may pasahero man o wala.

Nagpadala rin ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng trak na maaaring sakyan ng mga naaantalang pasahero.

Samantala, pumunta rin sa nasabing lugar ang ilang kinatawan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.