Bus, Bumangga sa Pader: 8 patay, 29 sugatan

UMAKYAT NA sa walo ang nasawi sa pagbangga ng isang bus sa pader sa Lutopan, Brgy. Don Andres Soriano sa Toledo City, Cebu kamakalawa.

Kabilang sa mga pinakabagong nadagdag sa unang anim na nasawi na sina Milenda Limbang, Godez Adrian, Alejandro Melmida at isang ‘di pa kilalang lalaki ay si Fidelifa Barbarati na isinugod pa sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC).

Kinilala naman ni PO2 Fred Careon ng Cebu Police Provincial Office Tactical Operations ang tatlo sa mga nasawi na sina Jose Agrix Baraquel, 29-anyos, residente ng Barangay Mangoto, Pinamungahan, Cebu; Thelma Sipalay, 24-anyos, residente ng Poblacion, Toledo City; at Virgilio Carabano Clarita Jr., 54-anyos, residente ng Toledo City.

Dinala naman ang mahigit 40 sugatan sa Carmen Copper Hospital, Toledo City District Hospital at VSMMC.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, galing ng Cebu South Bus Terminal ang Jegan Bus na may plakang GXD-545 galing Cebu City patungong Pinamungahan nang mawalan umano ng preno habang tinatahak ang makurbang daan sa Don Andres Soriano.

Dahil dito, sumalpok ang bus sa konktretong pader na pagmamay-ari ng isang Maria Bacalzo.

Tumakas naman ang bus driver na si Allan Pastedio, 40-anyos, ngunit kalauna’y sumuko rin sa Aloguinsan Police Station.

Samantala, nangako ang pamilya ni Pinamungahan Mayor Geraldine Yapha na siyang may-ari ng bus na sasagutin ang ng gastos ng lahat ng nasawi at nasugatan.

Binisita na rin ni Cebu Gov. Gwen Garcia at Cong. Pablo John Garcia ang mga sugatang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.