Bus, Bumaligtad; 30 Sugatan

ILAN SA 30 pasahero ng bumaligtad na bus sa national highway sa Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato, ang nakalabas na ng ospital noong kamakalawa ng gabi.

Minor injuries lamang ang natamo ng mga biktima na maagang pinalabas sa mga ospital na pinagdalhan sa kanila. Sa lungsod ng Koronadal at General Santos dinala ang iba sa mga nasugatan.

Ayon sa imbestigasyon ng Tupi PNP, nag-overtake ang isang Pajero na may plate no. LES 568 na pagmamay-ari ng isang Engr. Ferdinand Bascon ng Koronadal City sa isang unit ng Husky bus na may plate no. MVV-171 at may body No. 2788.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon sa drayber ng bus na si Reynato Abancho, residente ng Banga, South Cotabato.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.