Bus at SUV, nagbanggaan 4 patay; 7 sugatan

APAT ANG patay at pito ang sugatan sa salpukan ng pampasaherong bus at sports utility vehicle (SUV) sa Quirino Highway sakop ng Barangay San Francisco, Ta0067kawayan, Quezon.

Sinabi ni Quezon Police Provincial Director, S/ Supt. Val de Leon na pa-Maynila ang Ford Everest na may plakang ZAH 229 nang okupahin ang kaliwang lane upang mag-overtake pero bumangga sa kasalubong na pampasaherong bus na may plakang na TXV 921.

Dead on the spot sina Arnel Repol, 37-anyos, drayber ng SUV; Ariane Repol, 21; Harold Repol, 15, pawang mga residente ng Barangay Banay-banay, Cabuyao, Laguna; at isang ‘di pa nakikilalang babae.

Pitong pasahero ng bus naman ang nasugatan at kasalukuyang ginagamot sa Tagkawayan District Hospital.

Hawak na ng pulisya ang bus driver na nakilalang si Rainer Mabuti ng Palanas, Masbate. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.