Burol ni Douglas, puno ng eksena!

HINDI NATULOY ANG pagdating ng Fil-Italian girlfriend ni Alfred Vargas na si Yasmine na dapat ay nu’ng Martes pa ito dumating.

Ini-expect daw niyang ngayong linggong ito ang dating dahil matagal na raw itong nakaplanong umuwi rito pagkatapos maka-graduate sa Italy.

In fairness, maganda itong girlfriend ni Alfred at nu’ng nakita nga rito nu’ng nagbakasyon ito, marami na ang nag-aalok na mag-artista o ‘di kaya’y maging commercial model.

Kung ang aktor ang tatanungin, ayaw niyang mag-showbiz ang girlfriend niya. Pero kung sakaling makumbinse itong si Amore (tawag ni Alfred kay Yasmine) niya, hindi naman daw niya pipigilan. Pero dapat si Manay Lolit Solis din daw ang manager.

Napag-usapan na raw nilang magkasintahan ito na kung maaari, sa commercial modeling lang daw sana siya dahil magulo kung papasukin pa nito ang showbiz. Baka maging stage-boyfriend pa raw itong si Alfred.

Magiging supportive daw itong girlfriend ng aktor sa kanyang pagpasok sa pulitika. Kaya rito na siya for good para tulungan ito sa pangangampanya kung sakaling matuloy ang pagtakbo niya bilang konsehal ng 2nd district ng Quezon City.

NAKAKALOKA ANG MGA eksena sa burol ni Tito Douglas Quijano nu’ng nakaraang Miyerkules dahil nagkita-kita roon ang mga dating magkaaway at pati mga mag-ex dyowa.

GMA 7 ang nag-sponsor ng misa at pa-dinner nu’ng gabing ‘yun, kaya karamihan ay mga Kapuso stars ang nandu’n at mga executives siyempre ng GMA 7 na pinangungunahan ni Atty. Felipe Gozon.

Ang unang eksenang nakunan ng Startalk na mapapanood n’yo sa Sabado ay ang pagdating ni Gretchen Baretto na napa-‘Oh, my God!’ nang nakita niya ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Lani Mercado.

Ilang sandali lang, pumasok naman si Nadia Montenegro na abala rin sa pag-eestima sa mga bisita. Nagbeso lang silang dalawa at wala nang tsikahan. Civil lang naman silang dalawa pero hanggang du’n na lang.

Ganu’n din ang dating magkasintahang Jomari Yllana at Pops Fernandez. Nagbeso lang silang dalawa pero wala nang tsikahan at doon na umupo si Pops sa mesa nina Gretchen.

Kuwento naman ni Jomari, pangalawang beses na ang pagkikita nila ni Pops doon sa burol, at okey naman daw silang dalawa. Wala naman daw silang kailangang iwasan pa.

Nu’ng mga unang gabi rin ng burol kay Tito Dougs, nagkita rin doon sina Tita Anabelle Rama at Joanne Maglipon ng PEP pero parang hindi lang nila nakikita ang isa’t-isa.

Bukas na ang cremation ni Tito Dougs kaya tiyak na marami pang eksena sa last night ng burol nito mamaya.

ABANGAN SA POWER of 10 sa Linggo ang pagbabalik ng Mass Com student na si Meann Seron para tanggapin ang  hamon ng sampung milyong pisong jackpot.

Exciting ang episode na ito dahil dito malalaman kung aabot sa 10 million level ang naturang contestant.

Pagkatapos ni Meann Seron, maghaharap naman ang mga power players na sina Neil Tan Gana na isang molecular professor ng Ateneo de Manila at ang Nursing Aid galing Hawaii na si Carol Pancipanci.

Matindi rin ang labanan ng dalawa, pero iisa lang ang mananaig na power para umabante sa money round.

Abangan na lang itong Power of 10 ni Janno Gibbs sa darating na Linggo, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories.

by Gorgy’s Park

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.