Bureau of Customs nasindak

DAHIL SA PANGAMBANG baka totohanin nga ng mga “importers” na gumagamit ng Port of Manila ang kanilang banta na magsasagawa ng “strike”, agad na kinausap ng ilang opisyal ng BoC ang nasabing mga importer/ customs broker.

Ayon kay Zeny Dayanghirang, presidente ng Chamber of Customs Brokers, kinausap na umano sila ni Rhea Gregorio, hepe ng Interim Customs Accreditation Registration office (I-CARE) kung saan nangako umano ito na titiyaking hindi na nila dadanasing muli ang naunang pahirap sa kanila ng mga taga-Customs particular ang I-CARE.

Nauna rito, nagbanta ang nasabing grupo ng mga “importers” na magsasagawa umano sila ng “welga” upang maipaabot sa tanggapan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagmamalabis sa kanila ng ilang kawani ng BoC kung saan nahahalata umano nilang sadyang pinahihirapan lamang sila ng mga ito upang kusa nang magbigay ng lagay ang mga importer/ broker.

Dahil sa pangyayaring ito, lubos naman ang kagalakan ng nasabing mga importer ngunit patuloy pa rin umano silang makikiramdam kung hanggang kailan titino ang nasabing mga kurakot na empleyado ng BOC.

Idinagdag din ni Dayanghirang na anumang oras na makaramdam sila ng muling panggigipit ay hindi umano sila magdadalawang isip na mag-“welga” o ititigil ang pagdating ng mga kargamento sa Port of Manila.

(Froilan Morallos)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.