Buong Pamilya, Niratrat; 2-Anyos na Bata, Nakaligtas

PERSONAL NA AWAY ang dahilan ng pamamaril sa bahay ng isang pamilya na ikinamatay na apat na miyembro nito, samantalang nakaligtas naman ang dalawang taong gulang na batang babae sa baybaying bahagi ng Barangay Panubigan, Zamboanga City.

Kinilala ni Sr. Supt. Edwin De Ocampo, Zamboanga City Police Office director ang mga napatay na sina Akmadol Maharadol, 50; Radzma Maharadol, 14; Tong Maharadol, 10; at Iyong Maharadol, 25.

Ligtas na sa tiyak na kamatayan ang bunsong anak na si Baby Aiza Maharadol.

Ayon sa imbestigasyon, matapos ang pamamaril sinunog pa ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang bahay ng mga biktima bago nagsitakas patungo sa hindi pa mabatid na direksiyon dala ang ginamit na mga baril na kinabibilangan ng M14 rifle, caliber .45 pistol at shotgun.

Patuloy pa ang ginagawang pagtugis ng pulisya sa mga suspek katulong ang Philippine Army.   (ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.