Buong Pamilya, Nilamon ng Apoy

PAWANG NAMATAY ANG limang miyembro ng isang pamilya makaraang masunog ang buo nilang katawan sa loob ng comfort room ng nasusunog nilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ni SFO4 Randy Resurreccion, imbestigador ng Caloocan City Fire Station, ang mga namatay na biktima na sina Helario Espayos, 45, ang mga anak na sina Picky, 37, Beverly, 15, Patrick, 13 at Bryan 12, mga nakatira sa Tabon St., Brgy 185 Tala ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SFO4 Resurreccion, dakong alas 3:00 ng madaling-araw nang magsimulang masunog ang bahay ng mga biktima sa nasabing lugar.

Ayon kay Resurreccion, may hinala siyang isang napabayaang kandila na nakatirik sa ibabaw ng altar ng bahay dahil magdamag umanong may sindi ang nasabing kandila.

Ang katawan ng mga biktima ay nakitang magkakayakap sa loob ng kanilang banyo at hindi na makilala dahil ang mga katawan at mga mukha ay tinupok ng apoy.

Tinatayang aabot sa humigit-kumulang sa P800,000 ang halaga ng nasunog na bahay at ganap na alas-3:30 ng umaga nang ganap na maapula ang sunog na umabot sa 3rd alarm. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.