Buo raw ang tiwala sa asawa: Jinkee Pacquiao, sasamahan na si Manny sa training!

NGAYONG LINGGO AY aalis na si Jinkee Pacquiao patungong Amerika para samahan doon si Manny Pacquiao sa pag-eensayo niya.

Hindi naman apektado si Jinkee sa mga naglalabasang intriga sa asawa niya at kay Krista Ranillo dahil buo raw ang tiwala niya, at maayos daw silang nagkausap na mag-asawa na kapag mauulit ‘yun ay alam na raw nito kung ano ang mangyayari.

Ano kaya ang mangyayari? Lalayasan siya ni Jinkee?

Siyempre, dapat nga namang mag-ingat si Manny dahil kung mapatunayang totoo nga ang mga kumakalat na intriga sa kanila ni Krista, baka makaapekto pa ito sa kandidatura niya sa Saranggani.

Galit na galit nga si Manny na nagpa-interview sa TV dahil obvious na paninira raw ‘yun sa kanilang mag-asawa.

Ang isa pang ikinagalit ni Manny ay ang nilalagyan ng malisya ang pagkikita nina Jinkee at Derek Ramsay.

Agree naman si Jinkee doon dahil wala naman daw talagang intriga ang pagpunta ni Derek sa kanila nu’ng nasa Gensan ito.

Sabi ni Jinkee, siyempre, hinaharap naman daw niya ang mga taong humahanga sa asawa niya at isa na nga rito si Derek. Pinakisamahan lang naman daw niya si Derek, kaya wala raw talagang dapat intriga du’n.

“Diyos ko! Apat na’ng anak ko, dinadamay pa ako sa ganu’ng intriga,” sey ni Jinkee.

Kaya pinag-iisapan daw ni Manny na magsampa ng demanda laban sa mga nagkakalat ng ganu’ng intrigang gustong sirain ang pagsasama nilang mag-asawa.

Makikisama raw doon si Jinkee dahil sobra na raw ang mga kumakalat na intriga sa kanilang mag-asawa.

Basta pagdating daw niya ng Amerika ay nandiyan daw siya sa tabi ng asawa niya para bantayan ito habang nag-eensayo.

Wala na raw iimbestigahan kung totoo ang mga kumakalat na intriga sa kanila ni Krista dahil halos araw-araw ay nag-uusap naman daw sila at wala naman daw dapat ipaliwanag si Manny dahil buo raw ang tiwala niya rito.

Bongga si Jinkee, ‘di ba? Hindi talaga apektado kahit marami ang nagkakalat ng ganu’ng intriga.

HINDI PA RIN tapos ‘tong intriga kay Krista dahil malapit na ring dumating si Michael de Mesa. Dadalo si Michael sa kasal ng anak nila ni Gina Alajar na si Ryan Eigenmann at mainit pa rin ang intrigang si Krista raw ang dahilan ng hiwalayan ng dating mag-asawa.

Siyempre, mauungkat na naman ‘yan pagdating ni Michael.

Sabi naman ni Gina, tingin daw niya, hindi na rin papatulan iyan ni Michael. Pag-uusapan naman daw nila ‘yun kung paano i-handle dahil sabi nga ni Gina sa interview sa kanya sa Startalk, hindi raw maiwasan iyan dahil naging bahagi raw ‘yun ng buhay niya na hindi na mabubura. Kaya paulit-ulit na mapag-uusapan daw iyan.

Pero hindi na raw siguro magsasalita si Michael tungkol diyan kaya tingnan na lang natin.

Sa February 28 pala ang kasal ni Ryan sa kanyang matagal nang ka-live-in nito at nagdadalangtao na nga ito ng dalawang buwan na yata.

Kaya excited na rin si Gina dahil magiging lola na rin daw siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.