Buntis, Tigok sa Paglagok ng Lason

TIGOK ANG isang tatlong buwan na buntis matapos lumagok ng lason sa loob ng kani-lang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Cherry Rose Nellas, 19, ng Alimasag Alley ng lungsod.

Sa ulat, alas-9 ng gabi nang makitang bumubula ang bibig at maitim na ang mga kamay ng biktima ng ate na si Cristine sa loob ng kanilang silid.

Nasa tabi ang botelya ng mineral water na hinaluan ng silver cleaning solution.

Huling nakasama ng biktima ang nob-yong si Rheyniel Gilbuena, 20, kung saan hindi sigurado ang huli na anak niya ang pinagbubuntis ng una dahil may iba umanong ka-text na lalaki ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play at motibo sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.