Buntis sa 2nd baby Sunshine Dizon, naudlot ang pagbabalik-showbiz!

NAPURNADA ANG pagbabalik-showbiz ng award-winning actress na si Sunshine Dizon dahil kung kailan kasado na ang mga proyektong gagawin nito sa isang malaking TV network na magpapakita ng kanyang galing sa pag arte at isang napakagandang proyektong bagay na bagay sa kanya, tsaka naman ito nabuntis para sa kanilang 2nd baby ni Timothy Tan (young businessman/pilot).  Nagpapayat na nga raw si Sunshine para na rin sa kanyang pagbabalik, pero nabuntis ito kaya naman ‘di na matutuloy ang pagbabalik-showbiz nito.
Hirap kasing magbuntis si Sunshine kaya naman kailangan ng pahinga at pag-iingat. Gusto nga raw ng mag-asawang Sunshine at Tim na lalaki naman ang kanilang magiging 2nd baby para may baby brother na ang kanilang panganay na si Doreen Isabel.
Pihadong malulungkot na naman ang mga tagahanga ni Sunshine sa pagkakaudlot ng pagbabalik-showbiz nito, lalo na’t matagal-tagal na rin since napanood ito sa telebisyon at pelikula.

PROUD MOM ang magaling na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez sa magandang feedback sa acting ng kanyang anak na si Arjo Atayde na pinasok na rin ang magulong mundo ng showbiz, kung saan kasama si Arjo sa E-Boy na pinagbibidahan ni Bugoy Cariño.
Ayon kay Ms. Sylvia nang makausap namin sa TJ`s Bar na pag-aari nila ni Sir Bobby na isang steward, happy siya dahil maganda ang mga comment na natatanggap ng kanyang anak na si Arjo sa partisipasyon nito sa E-Boy.
At kahit nga sa presscon ng E-Boy ay napabilib nito ang mga manunulat sa galing sumagot ni Arjo at sa pag-aming napi-pressure siya everytime na maiisip nito na isang award-winning actress ang kanyang mommy Sylvia.
Pero gusto raw mapansin ni Arjo sa showbiz bilang magaling na aktor, kaya naman handa raw itong mag-aral ng pag-arte para mas humusay pa. Ayaw raw kasi nitong tawaging si Arjo na anak ng mahusay na aktres na si Sylvia, kung hindi si Arjo, magaling na aktor ‘yan.
SA WAKAS, nagsalita na rin ang isa sa cast ng Valiente at anak ni Vic Sotto na si Oyo Boy Sotto sa pagkaka-link ng ama nito kay Pauleen Luna.
Ayon kay Oyo Boy, nagpakatotoo lamang sa kanyang nararamdaman na hindi siya sang-ayon sa relasyon ng kanyang ama sa co-star nito sa Eat Bulaga na si Pauleen.
Ayaw na lang daw nitong idetalye kung ano ang tunay na dahilan kung bakit ‘di nito gusto si Pauleen para sa kanyang ama, basta ayaw lang daw niya at wala raw kinalaman dito si Kristine Hermosa na balitang nakaalitan noon ni Pauleen nang pareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN.

‘DI NA nga mapigil sa pagsikat ng magka-loveteam na Kimiro na binubuo nina Kim Komatsu at Hiro Magalona, dahil na rin sa resulta ng kanilang partisipasyon sa parada sa San Antonio, Nueva Ecija, kung saan ang kanilang karosa ang dinumog ng mga kabataang naroroon.
Hindi nga magkamayaw sa katitili ang mga manonood sa bawat pagdaan ng karosa nina Kim at Hiro na kahit sobrang init ng mga sandaling iyon ay talaga namang all smile para sa kanilang mga tagahanga.
Mukhang makaka-jackpot na naman ang GMA-7 sa pagbi-build up ng tandem ng dalawa sa itinutu-ring na may pinakamagandang mukha sa GMA-7 at malaki ang posibilidad na sumikat nang husto sa hanay nina Angel at Richard / Marian at Dingdong. Kaya naman bukod sa Tween Hearts, binigyan pa ang mga ito ng panibagong show sa primetime, ang Biritera, kung saan mas pakikiligin ng mga ito ang kanilang mga tagahanga.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “Buntis sa 2nd baby Sunshine Dizon, naudlot ang pagbabalik-showbiz!

  1. Kung lahat ng write up mo mali, sabi mo si kristopher ang leading man sa ikaw lang ang mamahalin. Yun pala extra lng. Tapos eto naman. Sino naman tong mga sinasabi mo? Sikat?! Kimiro? Eh ikaw lang nkakakilala sa mga ‘to kc ikaw ang manager.

Leave a Reply

Your email address will not be published.