Buntis, Pinagsasaksak ng Mister

WALA NANG buhay nang abutan ng mga kinauukulan ang isang apat na buwang buntis matapos pagsasaksakin ng kanyang mister sa Las Arenas Subd., Mandug, Davao City pasado alas-9:00 Lunes ng gabi.

Sinabi ni PO3 Juaquinito Cordero na naabutan pa nilang nakayap ang suspek na si Ryan Gaudicos sa kanyang asawang si Emily.

Nagtamo rin ng mga sugat sa tiyan at leeg ang salarin matapos umanong magtangkang magpatiwakal.

Katabi pa ng biktima ang patalim na ginamit sa pananaksak na naputol pa ang hawakan.

Ayon sa salaysay ng ina ng biktima na si Emerita Alforque, nagsimula ang away ng mag-asawa matapos hindi pautangin ang salarin ng mantika at noodles sa tindahan.

Pero palagi na aniyang nag-aaway ang dalawa bago pa nangyari ang krimen.

Papatayin din sana uma-no ng kapatid ng biktima na si Alexis Alforque ang suspek nang abutan niya ito para maipaghiganti ang kanyang ate pero napigilan ng ama.

Sa ngayon, sasampahan ng kaso ng pamilya ng buntis ang suspek.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.