Buntis, patay sa trak

PATAY ANG ISANG buntis nang mabundol ng trak sa Kidapawan City, North Cotabato, noong Sabado.

Namatay rin ang pitong buwang gulang na sanggol sa sinapupunan ni Amelyn Dairo-Fernan, 42 anyos, at residente ng Barangay Amas sa naturang lungsod.

Arestado naman ang driver ng trak na si Evaristo Serrano Occena, 74 na taong gulang.

Nabatid na galing sa bayan ng Magpet ang trak na naglalaman ng mga tubo patungong Cotabato Sugar Central Company sa bayan ng Matalam nang banggain umano ng hindi natukoy na sasakyan.

Dahil sa impact ng pagkakabangga, kumabig sa kabilang direksyon ang trak at nabundol ang buntis na naglalakad sa sidewalk. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.