Buntis, Patay sa Bigti

PALAISIPAN SA pamilya ng isang misis na buntis kung bakit ito nagbigti sa bayan ng Kadingilan, Bukidnon.

Kinilala ang nasabing biktima na si Amelora Cabrera, 35, residente sa naturang lugar.

Base sa impormasyon, ginamit umano ng biktima sa pagbigti ang kulambo na itinali sa kisame ng silid.

Ayon sa pamilya ni Cabrera, nakapagtatakang magbigti ito sapagkat wala namang problema na nabanggit sa kanila noong buhay pa ito.

Ito ang dahilan kung bakit sila nagdududa na maaaring mayroong foul play dahil bigla umanong tumakas ang live-in partner ng biktima sa hindi matukoy na kadahilanan.

Inihayag naman ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na walang indikasyon na mayroong foul play ang pagkasawi ng biktima.

Subalit hindi pa nila isinara ang kanilang pagsisiyasat sa nabanggit na kaso.

Sa ngayon, nakaburol ang labi ng biktima sa isang pribadong punerarya sa syudad.

Samantala, napag-alaman na limang buwan ng buntis ang biktima nang ito ay magbigti.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.