Buntis, Patay; Anak, Sugatan sa Lasing

 

HINDI NA nagawa pang mailuwa ang sanggol sa kanyang sinapupunan ng ginang habang sugatan ang 4-anyos na anak na babae matapos pasukin at pagsasaksakin ng lasing na kalugar sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Rachelle De Guzman, 24, apat na buwang buntis ng Candido Cmpd., Ugong ng lungsod.

Ginagamot naman sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Jennylyn, 4, ng nasabing lugar.

Nadakip naman si Robert Cedansa, 31, kalugar ng mga biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng umaga, umalis ang asawa ni Rachelle na si Ronnie upang pumasok sa trabaho bilang matadero, kung saan makalipas ang ilang sandali ay pumasok naman ang lasing na suspek.

Walang salitang pinagsasaksak ng suspek ang mag-ina bago tumakas su-balit nadakip sa isinagawang follow-up operation habang dinala si Jennylyn sa VGH.

Nagsasagawa na ng im-bestigasyon ang mga pulis upang malaman ang dahilan ng pananaksak.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.