Buntis, Ni-rape ng Textmate

MATINDI ANG pagkagahaman sa laman ng isang opisyal ng barangay matapos nitong gahasain ang nagbibirong textmate na buntis na misis sa bayan ng Ibajay, Aklan.

Itinago sa pangalang Cheryl ang biktimang 6-buwang buntis ng Barangay Laguinbanwa habang naaresto naman ang salarin na si Kagawad Anthony Tejada ng Barangay Polo sa naturang bayan.

Base sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na naisu¬mite sa Camp Crame, bandang alas-2:30 ng hapon nang mangyari ang krimen sa bahay ng biktima matapos magtungo ang salarin na kanyang textmate.

Sinabi ng imbestigador na nagkataong nag-iisa ang biktima kung saan sa kabila ng buntis ay iginapos ang mga kamay, binusalan ang bibig saka pinagsamantalahan ng suspek.

Naaktuhan naman ng mister ang salarin habang ginagahasa ang nakagapos na asawa pero nagawang makatakbo.

Humingi naman ng tulong sa mga awtoridad ang mister ng biktima kaya nadakip ang manyakis na salarin sa isinagawang follow-up operations.

Samantala, isinailalim sa eksaminasyong medikal ang biktima upang mapatunayan nagalaw nga ito ng suspek.

Sa ngayon, lumilitaw naman sa pagsisiyasat na nakatuwaan lamang ng biktima na makipag-text sa suspek na hindi nito sukat akalaing hahantong sa panggagahasa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.