Buntis, napatay sa bugbog, nagmumulto

NAKAKIKILABOT NA kukwento ang usap-usapan sa Barangay San Pablo, Libmanan, Camarines Sur.

Ito’y matapos makunan sa ilang mga larawan sa bahay ng isang Rhenz Buendia ang imahe ng isang babaeng nakasuot ng puting damit na may mahabang buhok.

Paniwala ng mga residente sa nasabing lugar, ito ang 17-anyos na si Cynthia Bismar na napatay ng kanyang live-in partner matapos bugbugin noong Mayo 29.

Paniniwala rin ng mga kinauukulan, buntis ang biktima nang mangyari ang pananakit ng kinakasama nito na naging daan ng kanyang agarang kamatayan.

Para naman sa ina ng biktima na si Betty, posibleng humihingi ng hustisya ang biktima kaya ito nagpapakita.

Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap ang salarin na si Rogelio Bagasala na agad tumakas matapos ang ginawang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.