Buntis, Nangisay sa Baha

IDINEKLARANG DEAD on arrival ang anim na buwang buntis na misis matapos itong makuryente sa bayan ng Lingayen sa Pangasinan.

Kinilala ang nasabing biktima na si Kristina Diucarez, 29, residente ng Brgy. Namolan sa nabanggit na bayan.

Base sa impormasyon, papunta umano ang biktima sa bayan sakay ng bangka upang makatawid sa tubig-baha.

Una nang napansin at iniwasan ni Diucarez ang nakalaylay na kable ng kuryente ngunit dahil sa abala nito sa pagsasagwan ay hindi na niya namalayan ay napakapit na ito sa kable.

Sumabit ang braso ng biktima sa naturang kable at tuluyang nakuryente.

Samantala, labis naman ang panghihinyang at hinagpis ng kamag-anak ng biktima sa pagkawala nito at ng kanyang ipinagbubuntis.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.