Buntis na Misis, Kinatay ni Mister

PINASLANG ANG 32-anyos na buntis na misis matapos gilitan at pagsasaksakin ng kanyang mister na nagtangkang magpakamatay sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Carsadang Bago 2 sa bayan ng Imus, Cavite kamakailan.

Kinilala naman ng mga awtoridad ang nasabing biktima na si Angelita Gonzales, isang accountant ng Emerson International Company habang ang kanyang asawa na si Manuel Gonzales na isang trike driver ay naisugod sa Phil. General Hospital matapos gilitan ang sarili.

Lumilitaw sa imbestigasyon na matinding selos ang umiral sa suspek kaya nagawang patayin ang sariling misis.

Naging testigo rin ang dalawang anak ng mag-asawa na katabi sa higaan nang isagawa ng salarin ang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.