Buntis na GRO, Todas sa Hataw ng Martilyo

PATAY ANG isang buntis na guest relation officer (GRO) matapos itong hatawin ng martilyo ng isang lalaki sa Caloocan City.

Wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang si Lorilyn Obiego, 29, ng Manggahan, Malaria ng nasabing lungsod. Hindi naman batid kung ilang buwan na ang ipinagbubuntis ng biktima.

Pinaghahanap naman ng mga awtroidad ang isang alyas Rolly na nangungupahan sa katabing silid ng biktima sa natu-rang lugar.

Base sa report ng Caloocan City Police, dakong alas-5:45 ng umaga nang matagpuang walang buhay ng ilang residente  ang biktima sa loob ng inuupahang silid ni Rolly.

Halos basag na ang bungo ng biktima na hinihinalang pinalo ng matigas na bagay kung saan nasa tabi nito ang isang martilyo na may bahid pa ng dugo.

Ayon sa salysay ng may-ari ng mga paupahang kuwarto na si Rocky Lada, dalawang oras bago matagpuan ang bangkay ng biktima ay dumaan sa kanila si Rolly na may dalang bag at sinabing may pupuntahan lang aniya ito.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa insidente at nagsasagawa na ng follow-up kaugnay nito.

PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.