Buntis, kinatay; lover, nagpakamatay

MALAGIM NA kamatayan ang sinapit ng 21-anyos na buntis na ginang matapos pagsasaksakin ng kanyang desperadong kalaguyo bago nagpakamatay sa loob ng cottage sa beach resort sa bayan ng Majayjay, Laguna noong Martes ng gabi.

Lumilitaw na matapos madiskubre sa loob ng nirentahang cottage 5 ang du-guang katawan ng buntis na si Renalou Gripo na nagtamo ng 37 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa ibaba ng papag, ang kalaguyo ng ginang at ang tinutukoy na suspek na si Roman Ramos, 52, mekaniko ay may laslas sa kaliwang pulso at nakataob ang bangkay sa kama.

Nabatid na ini-report ni Danny Tonpo, manager ng resort sa mga kinauukulan ang pagkakatagpo sa dalawang bangkay.

Lumilitaw naman sa pagsisiyasat na narinig pa ng ilang staff ng resort ang kalabugan sa silid ng dalawa pero sa pag-aakalang away mag-asawa lang kaya hindi nila nagawang manghimasok.

Napag-alaman na dating magnobyo ang dalawa pero nagpakasal sa ibang lalaki na kasingtanda nito ang babae at hindi naman matanggap ng matandang kalaguyo nito na buntis na ang dating nobya.

Samantala, natagpuan din sa pinangyarihan ng krimen ang basag na bote ng alak na indikasyong nag-inuman pa ang dalawang magkalaguyo, pregnancy test na may dalawang linya na nangangahulugang positibong buntis ang babae at matalim na kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaslang. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.