Buntis, inilibing sa maisan

NAKITANG PATAY at inili-bing sa gitna ng maisan sa Kepalbig, Tampakan, South Cotabato ang isang buntis na babae kamakailan.

Kinilala ang nasabing biktimang na si Wennelyn Virgo, 21-anyos, dalawang buwang buntis na nakatira sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, nakita ang biktimang nasa state of decomposition at inilibing sa lalim na isang talampakan lamang.

Ang biktima ay sina-sabing nag-iisa lamang sa kanilang bahay dahil ang kanyang mister ay nagtatrabaho sa Polomolok ng naturang lalawigan.

Si Wennelyn Virgo ay napabalitang missing noong Setyembre 11 kaya’t hinanap ng kanyang mga kamag-anak.                                                                                                 Itinuturo namang suspek sa naturang insidente ang kanyang tiyuhing si Alyas Buntoy na dinala na sa himpilan ng pulisya para sa pagsisiyasat.

Samantala, pinaniniwalaang panghahalay ang motibo ng krimen dahil nagkaroon ng mga kalmot sa katawan ang salarin.      (PARAZZI RE

PORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.