Buntis, hinalay, pinatay ng kapitbahay

HINALAY MUNA SAKA pinatay ang isang bebot na buntis ng kanyang kapitbahay sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez hospital sanhi ng saksak sa leeg si Jaylene dela Cruz, 25 ng Brgy. 176, Bagong Silang ng lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Christopher Acosta, 18 at kapitbahay ng biktima.

Sa pahayag ni Olivia Calicdan, kasama sa bahay ng biktima, alas-12 ng umaga nang makarinig siya ng ungol mula sa kuwarto ng biktima.

Nang puntahan ay nakitang duguan ang biktima habang ang suspek ay nakita pang tumalon mula sa bintana.

Habang papunta sa ospital ay nabanggit pa ni dela Cruz na hinalay siya at sinaksak ng suspek makaraang manlaban ang biktima.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ng mga pulis ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.