Buntis, hinalay bago pinatay

KALUNUS-LUNOS ANG sinapit ng isang 36-anyos na misis na pinaghihinalaang hinalay muna bago pinatay sa lalawigan ng Sorsogon.

Bandang alas-11:40 ng tanghali nang matagpuan ang bangkay ng biktima na kinilalang si Wilya Echano ng Sitio Bisita, Barangay, Abuyog, Sorsogon City.

Natagpuan ang biktima sa madamong bahagi ilang metro lamang ang layo sa kanilang tahanan na may tali ang leeg at pinaghihinalaang pinatay sa sakal gamit ang wire habang nakagapos pa ito sa puno ng niyog at wala nang saplot sa katawan.

Ayon kay P03 Reymar Ermida ng Casiguran Municipal Police Station, sinabi nito na sa report ng live-in partner ng biktima, dakong alas-10 ng gabi noong July 1 ng kasalukuyang taon nang hindi na nito nadatnan ang kanyang kinakasama at naiwan na lamang ang kanilang anak.

Base sa impormasyon, sinasabi rin na tatlong buwan nang nagdadalan-tao ang biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan kung saan halos magkasunod na natagpuan kahapon ang bangkay ng biktima sa parehong lungsod at ang Grade 4 student na hinihinalang ginahasa rin muna bago pinatay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.