Buntis, Dinugo sa Samurai ng Kelot

DINUGO ANG isang buntis sa Naga City makaraang salakayin sila ng isang lalaki na may dalang samurai.

Mismong ang biktimang si Estrella Bihos ang nagpaabot ng kanyang reklamo sa mga awtoridad.

Ani Bihos, alas-4:30 kamakalawa habang nasa loob sila ng kanilang tahanan ng kanyang asawa nang sadyain sila ng salarin na si Luis Ortega dala-dala ang isang samurai.

Nanggagalaiti aniya ito sa galit sa hindi malaman na dahilan at pinagbabantaan pa sila.

Dahil sa takot agad naman silang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang salarin.

Nang tanungin umano ito ng pulisya si-nabihan pa sila na papatayin ang kanyang asawa.

Sinasabing ang kanilang pinagtayuan ng bahay ang nakikitang dahilan ng pangga-galaiti ng suspek.

Napag-alaman na hindi ito ang unang beses na pinagbantaan sila ng salarin.

Samantala, lumalabas kasi na sinasarili ng suspek ang lugar na kanilang pinagtayuan ng bahay na ayon sa kanila ay sakop pa ito ng Philippine National Railways na siya lamang ang may karapatan na magpaalis sa kanila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.