Buntis, Dedo; 15 Pa, Sugatan sa Aksidente

DEAD ON the spot ang isang buntis habang nasa 15 ang sugatan nang masagi ng isang pampasaherong bus ang van sa national highway sa Barangay Taleb, Bantay, Ilocos Sur.

Nakilala ang namatay na si Rachel Hidalgo, 4-month pregnant at residente ng Barangay Tay-ac, Bantay.

Sinabi ng PNP Bantay, nasagi umano ng bus na minaneho ni Juarlito Ragon ang isang van nang mag-overtake ito at sakto namang nakasalubong nito ang isa pang van kung kaya’t nawalan ng kontrol ang drayber ng bus at dumiretso na ito sa isang bahay.

Dahil sa lakas ng impact, umabante lahat ang mga pasahero na siya namang pagkaipit ng buntis na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala, nilalapatan na ng lunas ang mga sugatang pasahero sa Metro Vigan Cooperative Hospital.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.