Buntis, Binoga sa Zamboanga

KASALUKUYANG NASA Intensive Care Unit (ICU) ng Zamboanga City Medical Center (ZCMC) ang limang buwang buntis na babae matapos mabaril sa may Barangay Camino Nuevo sa Zamboanga City.

Nagtamo ng tama ng bala ng caliber .45 pistol sa ulo si Nur-Aiza Sayadin, 25, ng Barangay Mariki ng nasabing lungsod.

Basexsa pagsisiyasat ng mga awtoridad, lumalabas na mismo ang dating mister ng biktima ang master mind sa tangkang pagpatay sa kanya.

Pinangalanan ng mga kinauukulan ang salarin na si Flordelito Daria Teves, tubong Siasi sa lalawigan ng Sulu.

Nabatid na gumamit ng isang hindi pa nakilalang salarin ang dating mister ng biktima na siyang bumaril dito.

Samantala, problema sa relasyon ng dating mag-asawa ang siyang tinitingnang anggulo ngayon ng pulisya.

Sa ngayon, patuloy ang pagtugis sa dalawang suspek na posibleng nagtatago na umano sa lalawigan ng Sulu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.