Buntis; 3-anyos na anak, pinatay sa saksak ng biyenan

PATAY ANG ISANG buntis at 3-anyos na anak nito matapos na sila’y pagsasaksakin ng kanyang biyenan noong Martes ng tanghali sa bayan ng Pugo, La Union.

Kinilala ang mga napaslang na si Gerelyn Aguilar, 26, 7-buwang buntis; anak nitong si Gerryben Carl, 3-anyos. Arestado naman ang suspek na si Carlos Aguilar, 56.

Nabatid na si Gerelyn ay nagtamo ng 35 na saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, apat na saksak sa sanggol na nasa loob ng sinapupunan nito at siyam na saksak naman kay Gerryben Carl.

Base sa imbestigasyon, bandang 11:45 ng umaga nang maganap ang malagim na insidente sa Brgy. Tavora East ng naturang bayan.

Kasalukuyang umanong nanonood ng TV sa loob ng kanilang silid ang buntis na misis at ang anak nito nang bigla na lamang silang pasukin ng suspek na nanlilisik ang mata na parang wala sa sarili at walang awang pinagsasaksak ang mga biktima.

Nabatid na wala ang mister ni Gerelyn sa kanilang bahay dahil nagtatrabaho ito sa gasolinahan.

Sinasabing aburido ang suspek dahil sa matinding problema sa pamilya kaya niya nagawa ang karumal-dumal na krimen.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.