Bunsod ng Pagbaril kay Benaldo: Seguridad sa Kamara, Mas Pinahigpit

NAGPATUPAD NA ng mga bago at mas mahigpit na seguridad ang mga tauhan ng House of Representatives ma-tapos ang tangkang pagpapakamatay ni Cagayan de Oro first district Rep. Benjo Benaldo gamit ang kanyang sari-ling baril.

Sinabi ni House Sec. Gen. Marilyn Barua-Yap na oobligahin na ang lahat ng pumapasok sa gusali ng Kongreso na sumailalim sa mahigpit na body search at mandatory turn-over ng anumang uri ng armas, kahit ng mga kongresista.

Samantala, nasa ospital pa rin si Benaldo, habang tiniyak naman ng misis nitong Brazilian model na si Daiana Menezes na magsasalita sila tungkol sa nasabing insidente kapag maga-ling na ang kaniyang asawa.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.