Bunso, nasumpak ni ate

PATAY ANG isang taong gulang na batang lalaki matapos aksidenteng mabaril ng kanyang pitong taong gulang na kapatid na babae sa Davao City.

Base sa pagsisiyasat, naglalaro ang nakatatandang kapatid sa loob ng kanilang tahanan nang makita sa drawer ang nakatagong sumpak na pag-aari umano ng kanilang ama.

Itinutok umano ng batang babae ang sumpak sa natutulog na kapatid at ipinutok sa noo.

Ayon sa suspek, ginaya lang umano nito ang kanyang 13-anyos na pinsan na naglalaro ng baril-barilan gamit ang isang toy gun.

Sa ngayon, balak nang sampahan ng kaso ng pulisya ang hindi nagpakilalang magulang dahil sa kapabayaan at pagkakaroon ng sumpak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.