Bunso, kinatay ni kuya

PINANINIWALAANG MATINDING selos ang isa sa motibo kaya napatay ang 39-anyos na lalaki ng kanyang utol sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Malasin sa bayan ng Burgos, Isabela kamakailan.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Apolonio Romero. Samantala, sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Benito Romero, 59.

Nabatid na nagkainitan ang magkapatid na magkasamang nakikipag-inuman kung saan sinasabing selos ang isa sa lumalabas na motibo.

Sa pag-aakalang nagkaayos na sila ng kapatid, ipinasya ng nakababatang biktima na palipasin ang kanilang sama ng loob.

Natiyempuhan ng suspek na natutulog ang nakababatang kapatid at isinagawa ang masamang balak.

Sumuko sa mga kinauukulan ang suspek at nang mahimasmasan ay abot-langit ang pagsisisi sa nagawa sa sariling utol. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.