Bunso, kinatay ni kuya dahil sa mana

PINANINIWALAANG ALITAN sa mamanahing lupa na iniwan ng kanilang mga magulang kung kaya’t pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 56-anyos na mister ng kanyang utol na magsasaka sa Barangay Balauini sa bayan ng Amulung, Cagayan kamakailan.

Kinilala ni SPO1 Rey Capili ang nasawi na si Saturnino Martin habang malubha naman ang misis nitong si Felipa Martin, 50.

Nabatid na pinatawag ng suspek na si Teodoro Martin, 71, ang kanyang bunsong kapatid at asawa nito sa kanilang tahanan upang pag-usapan ang hidwaan kaugnay sa mamanahing lupa mula sa kanilang mga magulang.

Hindi pa man nakaaabot sa tahanan ng nakatatandang Martin ang mag-asawa ay sinalubong na sila ng suspek.

Agad na pinagtataga ng suspek ang kapatid sa leeg at iba’t ibang bahagi ng katawan habang tinaga at hinabol din ng suspek ang sugatang hipag nito subalit nasaklolohan ito ng mga kapit-bahay.

Samantala, nasa himpilan na ng pulisya ang suspek habang nakaratay sa pagamutan ang kanyang hipag at pinaglalamayan naman ng kanilang pamilya ang bunsong kapatid nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.